Skip to main content

LEARNING PACKAGE ON PARENT EDUCATION (LPPED)

LEARNING PACKAGE ON PARENT EDUCATION (LPPED)
April 29, 2026 – Hermosa, Bataan
Upang higit na mapatibay ang paggabay sa ating mga kabataan sa gitna ng iba’t ibang hamon na kanilang kinahaharap, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng isang talakayan hinggil sa Adolescent Health and Development Program at responsableng pagpa-parenting para sa kapakanan ng kabataan.
Layunin ng programang ito na palalimin ang kaalaman ng mga magulang at tagapag-alaga sa tamang paghubog sa kabataan mula sa pisikal, emosyonal, hanggang sa sosyal na aspeto ng kanilang pag-unlad, upang sila ay maging handa sa mga pagsubok ng makabagong panahon.
Pinangunahan ang aktibidad nina District Population Officer Ariane Talamor, Population Program Worker Daisy Lou De Guzman, at Hermosa Designated Local Population Officer Orlan David.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

CLIK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1BNwEGqiuh/

Official Website of Municipality of Hermosa