League of Mayors ng Bataan, Magkakasama!
Ngayong araw ika-11 ng Hulyo ay ginanap sa Sibul Spring Resort Abucay, Bataan ang buwanang pagpupulong ng “League of Municipalities of the Philippines” na dinaluhan ng inyong lingkod bilang isa sa mga aktibong kasapi ng LMP-Bataan Chapter kasama ang mga Punong Bayan ng Bataan dito sa ating lalawigan.
Ang layunin ng pagpupulong na ito ay para ipagpatuloy ang pagsulong ng mga serbisyong publiko para sa mga munisipalidad dito sa ating lalawigan at magtaguyod ng pamamahala na may katapatan, kahusayan at kakayahang tumugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Isa dito ay itaguyod ang transparency at good governance sa lahat ng antas ng pamamahala ng mga munisipalidad.
Kasama sa pagpupulong na ito ang mga Representative mula sa DTI, GCash, PASCO at MIZU Resources Inc.
Sama-sama sa patuloy ng paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️