LCPC HOLDS 3RD QUARTER MEETING
September 28, 2026 – Hermosa, Bataan
Isinagawa po ngayong araw ang 3rd Quarter Meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) upang talakayin ang mga programa at hakbang para sa patuloy na proteksyon, kapakanan, at pag-unlad ng mga bata sa komunidad.
Kabilang sa mga tinalakay ang Capability Building Program for Day Care Workers, Nutrition Month Celebration, Adolescent Reproductive Health Seminar, at Project Be a Hero – Disaster Preparedness, gayundin ang iba pang programa para sa mga bata.
Naglahad din ng mga ulat ang POPCOM at PNP, habang tinalakay ang mga kinakailangang hakbang para sa pag-update ng Local Code for Children at Local Investment Plan for Children 2026–2028.
Pinangunahan ang pagpupulong nina Konsehala Gelly Santos, MSEDO Chasmalin Francisco, PNP Chief Kenneth Longan, kasama ang mga miyembro ng LCPC.
#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HX6aJyCFo/









