Skip to main content

LCAT-VAWC FUNCTIONALITY ASSESSMENT

May 5, 2026 – Hermosa, Bataan
Binisita po natin ang LCAT-VAWC Functionality Assessment, na naglalayong sukatin ang kakayahan at pagiging epektibo ng komite sa pagpapatupad ng mga programa laban sa karahasan sa kababaihan at mga bata.
Layunin din nitong matukoy ang kalakasan at kahinaan ng komite, mapabuti ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya, at matiyak ang maayos at sapat na serbisyo para sa mga biktima. Nagsisilbi rin itong gabay sa mas maayos na pagpaplano ng mga programa at sa pagsunod sa mga umiiral na batas at patakaran.
Kasama po natin sina Ms. Rosalie M. Francisco (PKKK), Ms. Aleira Eunice V. Taguines (DILG Bataan), Ms. Jocelyn S. Mena, at Ms. Andrea Concepcion.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1Xoeaskbjy/

Official Website of Municipality of Hermosa