Skip to main content

LAST DAY NG BASIC ICS TRAINING

Matagumpay po nating natapos ang tatlong araw na Basic Incident Command System (ICS) Training Course, kung saan nagsagawa ng iba’t ibang workshop at simulation activities na nagpalawak ng ating kaalaman at naghasa ng ating mga kasanayan sa epektibong pagtugon sa mga sakuna at iba pang emergency.

Lubos po tayong nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng pagsasanay, lalo na kina Mayor Erik Martel, sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at sa Office of Civil Defense (OCD), sa kanilang suporta at pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman.

Patuloy po nating paiigtingin ang ating kahandaan upang makapaghatid ng mas mabilis, maayos, at episyenteng pagtugon sa anumang sakuna para sa kaligtasan ng bawat Hermoseño.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa
#1Bataan

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1DRP47dYds/

Official Website of Municipality of Hermosa