LANDSLIDE MONITORING AND RESPONSE | BARANGAY CATANING
Kahapon 08 Setyembre 2026, ganap na 6:35PM, naiulat ang pagkakaroon ng landslide sa isang bahagi ng Beverly Heights, Roman Superhiway, Barangay Cataning, Hermosa, Bataan.
Agad na kinoordinate ng Hermosa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang ulat sa mga kaukulang ahensya at tanggapan na may saklaw at maaaring makatulong sa pagtugon sa insidente, kabilang ang MBDA, PENELCO, atbp.
Bilang agarang hakbang para sa kaligtasan ng publiko, naglagay ng safety barriers at warning signs upang mabigyang-babala ang mga motorista at mapanatili ang ligtas na daloy ng trapiko. Ang mga residente na malapit sa apektadong lugar ay kaagad ding pinayuhan na lumikas bilang pag-iingat at upang maiwasan ang anumang posibleng panganib.
Patuloy ang monitoring at koordinasyon ng Hermosa MDRRMO kasama ang mga concerned agencies upang maagap na matugunan ang anumang pagbabago sa sitwasyon.
Pinapayuhan ang mga motorista at residente na mag-ingat at umiwas sa malapit na lugar ng landslide. Sundin ang mga inilagay na warning signs, safety barriers, at mga abiso ng mga awtoridad.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18LLx34FNB/









