LAB FOR ALL
February 19, 2026 – Hermosa, Bataan
Upang makapaghatid ng de-kalidad na serbisyong medikal sa ating mga kababayan, matagumpay po nating isinagawa ang libreng laboratory services, medical consultation, at pamamahagi ng gamot sa ilalim ng programang Lab for All, na ginanap sa Mabuco Housing Covered Court at Health Center.
Ang programang ito ay pinangunahan at sa inisyatiba ni Dr. Warren Valencia, kasama si Konsehala Gelly Santos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health.
Layunin ng gawaing ito na mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa komunidad at matiyak na ang bawat Hermoseno ay may access sa maayos, maagap, at maaasahang serbisyong medikal.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1R1GYPAJL1/








