Skip to main content

LAB FOR ALL SA SUBIC BAY FREEPORT ZONE

February 24, 2026 – Hermosa, Bataan

Nakiisa po tayo sa inilunsad na LAB for All sa Subic Bay Freeport Zone ngayong araw sa isang programang naglalayong maghatid ng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat, lalo na sa ating mga kababayang nangangailangan ng serbisyong medikal.

Ang inisyatibang ito ay pinangunahan ni first lady Liza Araneta-Marcos, sa ilalim ng adhikain ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mamamayan.

Nakiisa rin sa nasabing programa ang mga residente mula sa Zambales at Bataan, kasama sina SBMA Chairman Eduardo Jose Alino, Gov. Joet Garcia, DOH Sec. Teodoro Herbosa, PAO Chief Persida Rueda-Acosta, Cong. Gila Garcia, Cong. Tony Roman, at MHO Dr. Warren Valencia.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1ARi8VSiKQ/

Official Website of Municipality of Hermosa