
KAUNA-UNAHANG VAX ON WHEELS, UMARANGKADA NA!
Inilunsad ngayon ang kauna-unahang Bakuna on Wheels sa buong Lalawigan ng Bataan at ito ay ginanap sa Covered Court ng Barangay Bamban, Hermosa, Bataan.
Ito ay pinangunahan nina GOV ABET GARCIA, MAYOR JOPET INTON, Bokal Dr. Bong Galicia, MHO Dr. Bismarck Abad, PHO Dr. Rossana “Osang” Buccahan, DOH Rep Dr. Noel Reyes. PHO Dr. Dela Cerna, at Kap. Medardo Miranda ng Barangay Bamban.
Ang proyektong “VAX ON WHEELS” ay tugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa panawagan ng mabilisang pagbabakuna upang makamit ang herd immunity sa probinsya.
Kasalukuyang nagbabakuna ngayon sa pamamagitan ng VAX ON WHEELS ang 300 katao ng 1st dose ng SINOVAC.
Maraming Salamat po sa patuloy niyong pakikiisa sa malawakang pagbabakuna kontra COVID-19!
#LipadHermosa
#1Bataan
#SalamatGovAbet