Kauna unahang “Hataw Takbo Bataan” sa Bayan ng Hermosa

January 29, 2023 – Hermosa, Bataan
Kauna unahang “Hataw Takbo Bataan” sa Bayan ng Hermosa
Matagumpay ang isinagawang kauna unahang “Hataw Takbo Bataan” Fun Run ngayong 2023 na hatid sa atin ng programang Bisita Bayan sa pangunguna ni Governor Joet Garcia kasama ang inyong lingkod na ginanap sa Brgy. Mabuco, ika-29 ng Enero.
Ang Hataw “Takbo Bataan” Fun Run ay isang pangkalusugang aktibidad na layon na mas lalong mapabuti ang ating kalusugan at ito ay isang paraan ng pag-eehersisyo at epektibo sa pag papalakas ng katawan.
Katuwang natin dito sa programang ito ang Tobacco-Free Generation (TFG). Isang samahan na may layunin at adbokasiya na sa mga susunod na henerasyon ay magkaroon ng ligtas na kalusugan at malayo sa anumang sakit dulot ng masama at nakakapinsalang bisyo ng sigarilyo dito sa ating lalawigan. Hinihikayat din ang bawat isa sa pag-alis sa pagkagumon sa bisyong ito na sanhi ng sakit at napapaagang pagkamatay na dulot ng mga produkto ng industriya ng tabako. Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa kasama ang inyong lingkod sa programang ito.
Kasama sa naturang programa sina Vice Governor Cris Garcia, Pusong Pinoy Party List Representative Cong. Jett Nisay, Bokal Atty. Jomar Gaza, Bokal Atty. Tony Boy Roman, Vice Mayor Patrick Rellosa, Ina ng Hermosa President Mayora Anne Adorable-Inton, Hermosa Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Konsela Luz Jorge Samaniego, Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Jose Bismarck Abad, Provincial Health Office sa pangunguna ni Dra. Rosanna Buccahan at kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Hermosa.
Congratulations sa buong Hataw Takbo Organization Committee sa pangunguna nina Konsehala Luz, Konsehal Jayson, ang ating MHO, ang mga INA NG HERMOSA, ang KALIPI, Hermosa Marshals, PNP, BFP, Provincial Government at ang Pamahalaang Bayan ng Hermosa!
Maraming Maraming Salamat po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
#HatawTakboBataan 🏃‍♂️

« of 2 »

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

  • (047)-300-6750/ 0917-844-3453

  • Office Hour:
    Mon - Fri: 8am - 5pm

  • Brgy. Burgos-Soliman St
    Hermosa, Philippines 2111

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa