Skip to main content

KASUNDUAN PARA SA BAMBUSETUM PLANTATION AT NURSERY | Abril 28, 2021 – Hermosa, Bataan

Pinirmahan na po ng inyong lingkod kasama si Sir Jesus V. De Luna Municipal ENRO ng Hermosa, Bataan ang isang kasunduan sa pagitan ng DENR-Bataan, LGU Hermosa at Hermosa Water District para sa Establishment ng Bambusetum Plantation and Nursery sa Brgy, Mambog, Hermosa Bataan.
Ang paglagda sa MOA na ito ay pinangunahan ni DENR-Bataan PENR Officer, Sir Raul H. Mamac, Hermosa Water District General Manager sir Gideon S. De Leon.
Layunin po ng Bambusetum Project na ito ay isang pagpapahusay sa kapaligiran na magdaragdag din ng proteksyon sa Manila Bay.
Ang iba`t ibang uri ng bamboo ay itinanim sa nasabing lugar na pag-gagawan ng proyektong ito sa ecological park.
Ang proyektong ito ay naisagawa at naisakatuparan po natin sa pakikipag tulungan ng inyong lingkod, DENR Bataan, Hermosa Water District at LGU Hermosa ay naglalayong protektahan at mapanatili ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng kapaki-pakinabang na proyektong ito.
#LipadHermosa 🚁🚁🚁
#1Bataan ☝🏻

Official Website of Municipality of Hermosa