Kasalang Bayan 2025 Mabuhay ang Pag-ibig sa Bayan ng Hermosa!
Mayo 8, 2025 – Hermosa, Bataan
Matagumpay na naganap ang pag-iisang dibdib ng 22 couples na Hermoseños sa ating Kasalang Bayan 2025. Ito ay ginanap sa Villa Hermosa Resort & Hotel, Brgy. Sto. Cristo, Hermosa, Bataan, sa pangunguna ng inyong lingkod katuwang si Mayora Anne Inton
Bilang pakikiisa at pagsuporta sa pagmamahalan ng mga bagong kasal, dumalo rin sa Kasalang Bayan sina Bokal Tonyboy Roman, Bb. Michelle Caraig bilang kinatawan ni Gov. Joet Garcia, at Maria Rosario C. Dela Rosa, Registration Officer II ng PSA – Bataan.
Taos-puso nating binabati ang mga bagong kasal, at pinagdarasal sila ng payapa, masagana, at puno ng pagmamahal na buhay mag-asawa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#KasalangBayan2025 #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan