KASALANG BAYAN 2024
Inaanyayahan ang lahat na nagnanais na magpakasal sa gaganaping Kasalang Bayan 2024 dito sa Bayan ng Hermosa sa Mayo 8, 2024.
Para sa inyong katanungan ukol sa Kasalang Bayan; Mangyari lamang na magtungo sa opisina ng Local Civil Registrar, 1st Floor.
Narito ang listahan/requirements para sa pagkuha ng Lisensya sa Kasal (Sulisitud) – Civil Wedding (MAYOR).
1. Dapat nasa hustong gulang – 18 taon o mahigit pa ang nag-aaplay.
2. Ang isa o kapwa naninirahan sa Hermosa ang nag-aaplay (magdala ng katibayan tulad ng Voter’s Registration, ID Card).
3. Sertipiko ng “No Marriage Available o CENOMAR” mula sa PSA.
4. Birth Certificate (PSA Copy)
5. CEDULA (both/latest)
6. 2pcs. 2×2 pictures (both applicants)
7. Pre-marriage counseling kung ikakasal sa civil (Edad: 18 – 25).
Iba pang dokumento tulad ng naka tsek sa ibaba:
✔️ Consent, Advice o Affidavit na pinagpayagan ang pakasal ang nag-aaplay (para sa mga 18 – 24 taong gulang, magdala ng I.D. ng magulang kung sa MCR OFFICE pipirma).
✔️ Sertipiko ng Seminar (POPCOM)
✔️ Death Certificate kung patay na ang unang asawa
✔️ ANNULMNENT o DIVORCE PAPER kung pinawalang bisa ang unang kasal/Decree of Annulment
PAALALA: Ang lisensya sa kasal ay maaari lamang maisyu makalipas ang 10 araw mula ng tanggapin ng MCR OFFICE ang inyong aplikasyon.
MGA BAYARIN: PHP 150.00 (Ito ay para sa lisensya ng inyong kasal)
DEADLINE: APRIL 15, 2024