Karagdagang Kaalaman: Tamang Proseso sa Paggawa at Pagpapack ng mga Karne
Abril 24, 2024 – Hermosa, Bataan
Nagkaroon po tayo ng basic training sa meat processing at packaging demonstration sa pangunguna ni Ina ng Hermosa, Mayora ANNE INTON. kahapon sa Hermosa Covered Court. Katuwang natinsa programang ito ang Department of Agriculture na pinangunahan ni Municipal Agriculture Officer Vincent Mangulabnan at Doc. Frances Erika David.
Ang training na ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng tamang pagproseso at pagpapakete ng karne. Nabigyan ang mga miyembro ng Ina ng Hermosa ng pagkakataon na gumawa at mag-pack ng burger patty at longganisa.
Sa pamamagitan ng malinis na paggawa at pagpapakete ng mga produkto, hindi lamang natin pinatitibay ang kalidad ng ating mga ito, kundi pati na rin ang tiwala ng ating mga mamimili.
Kasama sa pagsasanay sina Kons. Lou Narciso, Kons. Boyet Yandoc, Kons. Roger Manarang, mga miyembro ng na Ng Hermosa, KALIPI at mga trainors from Provincial Veterinary Office of Bataan, Trinidad Tallorin at Freidpal Mae Sabino.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️