
Kapihan Sa Hermosa!
Ipinagkaloob na kahapon ang Micro Coffee Processing and Roasting Facility sa mga miyembro ng New Hermosa Farmers Association na ginanap sa Barangay Mabiga, Hermosa, Bataan. Ang proyektong ito, na ipinagkaloob ng Department of Agriculture-High Value Crops Development Program (DA-HVCDP)–RFO III, ay suportado ng inyong lingkod dahil ito ay naglalayong iangat ang produksyon ng kape sa ating bayan, kasabay ng pag-angat ng antas ng kabuhayan ng ating mga kababayang magkakape. Mailalapit na rin ang makabagong teknolohiyang gagamitin dito at hindi na nila kailangan dumayo pa sa ibang bayan upang ipagiling ang kanilang inaning kape. Magdudulot din ito ng karagdagang trabaho sa komunidad sa sandaling ito ay mabuksan na.
Kasama po natin ang mga kinatawan ng DA sa pangunguna nila Gerald Glenn F. Panganiban, National Director for HVCDP, kasama sina Jose Jeffrey Rodriguez at Paolo Tatlonghari ng Central Office; Ms. Elma Mananes, Chief Field Operations Division, Engr. AB P. David, HVCDP Regional Focal Person, at Marilou P. Ramos, APCO Bataan, na mula sa Regional Office; Engr. Johanna R. Dizon, Provincial Agriculturist, Rolando Almario, Provincial HVCDP Coordinator, at si Engr. John Peter Subiaga, Provincial Agriculturist Staff. Nakasama rin po natin dito sina Konsehal Lou Narciso at ang ating OIC- Municipal Agriculture Officer, Vince Mangulabnan.
Maraming Salamat po DA-HVCDP! Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa
#1Bataan