Skip to main content

KAMUSTA, MGA KA-TODA?

Sa kabila ng maulap na panahon at pabugso-bugsong ulan, ating kinumusta ang mga opisyales ng TODA mula sa bawat barangay ng Bayan ng Hermosa sa pangunguna ni Chairman on Transportation and Communication na si Konsehal Alexander Jason Enriquez.

Kasama si Vice Mayor Patrick Rellosa at mga konsehal ng bayan, tayo ay umupo at nakipag-usap sa ating masisipag na tricycle drivers upang alamin ang kanilang mga pang-araw-araw na karanasan sa kalsada.
Sa Bayan ng Hermosa, walang kwento ang babalewalain. Lahat ng istorya ay papakinggan.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa