Skip to main content

Kampanya kontra paninigarilyo, mas paiigtingin sa Hermosa

Enero 17, 2025 – Hermosa, Bataan

Sa pagpupulong na dinaluhan ng mga kawani at opisyal ng ating Pamahalaang Bayan ng Hermosa, pinag usapan ang mga nakapaloob sa Hermosa Municipal Ordinance No. 6 at Bataan Provincial Ordinance No. 1 s. 2013 kung saan marihing kinokondena ang paninigarilyo, maging ang pagbebenta at panghihikayat sa paggamit nito sa ating bayan.

Ito ay sa pangunguna ni Hermosa PNP Chief Phoe Pangan, Hermosa Municipal Councilor on Health Luz Samaniego, ABC President Alfonso Cortez, at mga Anti Smoking Program Coordinators ng ating Municipal Health Office.

Maraming salamat sa mga dumalo at nakasama natin sa ating layunin na itigil ang paggamit at pagpapalaganap ng paninigarilyo; kabilang na ang mga kawani at opisyal ng bawat barangay sa Hermosa, maging ang mga kawani at opisyal mula sa Hermosa MHO sa pangunguna ni Dr. Warren Valencia; Kristel Balderama, RN; Maricris Valderueda, RM; at Krischelle Quiambao, RM.

Sama-sama nating wakasan ang paninigarilyo at tuldukan ang masamang dulot nito sa ating mga kababayan.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa