
Kalingang Hermoseño, para sa ating mga mangingisda
Malugod po nating tinanggap kaninang umaga mula sa Department of Labor and Employment o DOLE ang tseke na nagkakahalagang
700 thousand pesos.
Ito ang programang pagbuo ng kabuhayan sa ilalim ng Kabuhayan Program. Ang halagang ating tinanggap ay ating ipambibili ng mga motorized boats para sa mga mangingisda. Layunin nito na mas mapaangat pa ang kanilang kabuhayan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Ito po ang programang sinusuportahan ng inyong lingkod katuwang ang ating DOLE at PESO Hermosa.
Nakasama natin sina PD Ma’am Leilani M. Reynoso, Sir Rico Val Teopengco Bacuyag, at ang ating PESO Officer Ma’am Ofelia Datu.
Maraming Salamat po sa DOLE! Mabuhay po kayo! 

Sama-sama sa paglipad ng Hermosa!