Kalingang Hermosa: National Children’s Month Celebration sa Bayan ng Hermosa
Nobyrembre 19, 2024 – Hermosa, Bataan
Bilang pagpapatuloy sa selebrasyon ng National Children’s Month sa ating Bayan ng Hermosa, nagsagawa ang ating lokal na pamahalaan, sa pangangasiwa ng MSWDO, ng transportation allowance payout para sa 79 mag-aaral ng SPED sa elementarya na may espesyal na pangangailangan.
Bukod pa rito, nagpamahagi rin tayo ng assistive devices na 15 wheelchairs, 10 single canes, 5 quad canes, 3 crutches, at 2 walker para naman sa ating mga kababayan na PWD.
Nakasama natin sa gawaing ito si Mayora ANNE INTON bilang kinatawan ng inyong lingkod, at ang Bagong Team Lipad na sina Konsehal Lou Narciso, Konsehal Roger Manarang, Konsehala Gelly Santos, G. Leonardo Cruz, at Bb. Jinkee Alonzo.
Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi sa inisyatibong ito, lalo’t lalo sa ating MSWDO, sa pangunguna ni Chasmalin Francisco, sa patuloy na pangangasiwa sa mga programang nangangalaga sa lahat ng sektor sa ating bayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/19eNA29K2Q/