
Kalinga para sa mga Masisipag na Barangay Secretaries
February 10, 2022- Hermosa, Bataan
Katuwang ang buong TEAM LIPAD HERMOSA, kasama si DILG Borneth Dulay La Torre LGOO V, namahagi ng laptop units ang inyong lingkod para sa mga Barangay Secretaries sa buong Bayan ng Hermosa.
Ang mga laptop units na ito ay dagdag kagamitan para mas epektibong magampanan ng mga Barangay Secretaries ang kanilang mahalagang tungkulin sa Barangay kagaya ng database management, report preparation at sa iba’t ibang paperworks na ginagawa sa Barangay.
Mabuhay ang ating mga Barangay Secretaries!
MATAGAL NA NATING GINAGAWA ANG TAMA!
#LipadHermosa
#1Bataan☝️