Kagamitang Pangkalusugan hatid ng Americares Philippines sa Brgy. San Pedro
October 4, 2024 – Hermosa, Bataan
Ating tinanggap mula sa Americare Philippines ang kanilang donasyon na mga kagamitan para sa mga residente ng Brgy. San Pedro, Hermosa. Kasama rito, bilang kinatawan ng inyong lingkod, si Mayora ANNE INTON, Brgy. Captain Ronald Samaniego at si Konsehala Luzviminda Samaniego.
Taos-puso akong nagpapasalamat sa organisasyong Americare Philippines para sa kagamitang pangkalusugan na kanilang ipinamahagi sa Brgy. San Pedro. Ito ay magagamit ng ating mga kababayan upang mapangalagaan at maagapan ang kanilang kalusugan.
Mabuhay kayo, Americare Philippines!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#AmericaresPhilippines #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1Bhqmk1yvd/