
KAGAMITANG PANG ESKWELA, NAIPAMAHAGI NA SA LAHAT NG PAARALAN SA BAYAN NG HERMOSA
Pinangunahan ng ating Chairman Committee on Education Konsehal Boyet Yandoc na kumatawan sa inyong Lingkod kasama si Vice Mayor Patrick Rellosa at ang Sangguniang Bayan Members ang pamamahagi ng mga Kagamitang pang eskwela at bitamina para sa mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Sumalo, Pandatung, Casupanan, Balsik, Saba, Bacong, Bamban, Maite, Mabiga, Parapal, Hermosa National High School at Balsik National High School.
Mag-aral ng mabuti at mag sumikap para sa inyong magandang kinabukasan.
Sa mga bumubuo ng Local School Board (LSB) para sa pondong kagamitang pang eskwela, Maraming Salamat po! Mahuhay po kayo!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️