Kabuhayang hatid ng DOLE Integrated Livelihood Program ng Hermosa
September 30, 2024 – Hermosa, Bataan
Tumanggap ng pansimulang mga kagamitan ang H-CPSN-TODA at Almacen Fishing Cooperative (AFC) sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) sa pamamahaging ginanap sa MDRRMO Evacuation Center, Brgy. San Pedro, Hermosa, Bataan.
Kasama sa pamamahaging ito, bilang kinatawan ng inyong lingkod, si Mayora ANNE INTON; DOLE OIC Provincial Director, Antonio Sicat Jr.; Hermosa PESO Manager, Ofelia Datu; H-CPSN- TODA President, Percival Montemayor; at AFC President, Domingo Razon.
Ang handog na panimulang kagamitan sa ilalim ng DILP ay magagamit para sa ikabubuti, hindi lamang ng samahang H-CSPN-TODA at AFC, kundi ng mga residente ng buong Bayan ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAF NG HERMOSA!
#DILPAwarding #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
READ AND SEE MORE: https://www.facebook.com/share/p/i2oPJ9zX46HkLDZ5/