Skip to main content

KABAYO TULONG PANGKABUHAYAN

July 20, 2022- Hermosa, Bataan
KABAYO TULONG PANGKABUHAYAN
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa sa pagsusulong ng pangkabuhayan para sa ating mga kababayan sa pangunguna ng inyong lingkod sa pamamahagi ng mga Kabayo na ginanap kahapon sa Culis, Hermosa Covered Court.
Ang mga nasabing Kabayo ay naipamahagi sa Samahan ng nagkakaisang magsasaka sa Barangay Sumalo, at Nazareno Small Coconut & Fruit Farmer Association.
Kasama sa pamamahagi si Konsehal Roger Manarang, Provincial Government ng Bataan sa pangunguna ng Provincial Vet Office, Municipal Agriculture Office, SB Committee on Agriculture ng Hermosa at MAFC Chairman.
Ang programang ito ay upang mas maging mabilis at mas madali para sa mga upland farmers ang pagdadala ng kanilang mga produkto sa Kabayanan papuntang merkado.
Mabuhay ang ating PVO, MOA, SB Committee on Agriculture ng Hermosa, MAFC Chairman. Maraming salamat po!
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa.
#LipadHermosa🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa