Skip to main content

KABAKA TUPAD ORIENTATION

ersonal po tayong dumalo sa orientation ng KABAKA TUPAD Program para sa 796 na benepisyaryo nito dito sa Hermosa Covered Court bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kabuhayan at hanapbuhay para sa ating mga kababayang Hermoseño.
Katuwang po natin sa programa si Cong. Tony Roman, na nagpapatuloy ng mithiin ng kanyang mahal na inang si dating Cong. Minia Roman, ang puso at inspirasyon ng programang ito. Kasama rin natin si DOLE-Bataan Provincial Head Maylene Evangelista, TUPAD Focal Person Eloisa Mercado kasama ang kanyang mga TUPAD coordinators at PESO Hermosa sa tagumpay na pagpapatupad ng nasabing aktibidad.
Layunin ng programang ito na makapagbigay ng oportunidad sa trabaho at hanapbuhay sa ating mga kababayan, tungo sa isang mas maunlad at mas masaganang pamumuhay ng bawat pamilyang Hermoseño.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan


CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DE5i9zWBW/

Official Website of Municipality of Hermosa