Joint Site Inspection sa SCTEX-Hermosa Interchange kasama ang BCDA
Bilang bahagi ng mga hakbang upang higit pang mapaunlad ang koneksyon ng Bataan sa mga karatig na sentro ng kaunlaran sa Gitnang Luzon, magkaroon ng direktang access ang Hermosa sa SCTEX, at maibsan ang trapiko sa SCTEX Dinalupihan Exit (Layac), nagsagawa ang inyong lingkod ng joint site inspection para sa panukalang road interchange project sa Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan.
Kasama sa inspeksyong ito ang mga opisyal ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na sina President and CEO Joshua M. Bingcang at VP for Strategic Projects Management Randy S. Viacrusis; mga opisyal ng North Luzon Expressway (NLEX) na sina AVP Vik Apuzen at Head for Government Relations Allan Gregorio; si Chief of Planning and Design Arthur Santos ng Department of Public Works and Highways ROIII; si Bataan 1st District Congressman-elect Atty. Tonyboy Roman; at si Subic Bay Metropolitan Authority Director John Joseph Inton.
Ang proyektong ito ay magbubukas ng mahalagang access point na mag-uugnay sa mga umuusbong na economic zones at industrial estates sa Bataan patungo sa Clark Freeport Zone, New Clark City, at Subic Bay Freeport Zone—mga pangunahing hub ng ekonomiya sa Gitnang Luzon. Magbubukas din ito ng mas maraming oportunidad para sa Hermosa Highlands.
Patuloy lamang ang ating pagsusumikap upang makapaghatid ng mas maraming oportunidad at mas maunlad na pamumuhay para sa ating mga kababayan sa Bataan, lalo na sa ating mga minamahal na kababayan sa Bayan ng Hermosa.
Sama-sama sa Paglipad ng Hermosa!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
PLEASE CLICK LINK FOR MORE:
https://www.facebook.com/share/p/1CPS3urHug/