Skip to main content

JOINT PPOC, PADAC, AND PTF-ELCAC 4TH QUARTER MEETING

December 06, 2022 – The Bunker, Balanga City
JOINT PPOC, PADAC, AND PTF-ELCAC 4TH QUARTER MEETING
Sa pagnanais ng mga lokal na opisyal ng Bataan sa pangunguna ng ating Governor Joet Garcia, na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating Lalawigan, ang inyong lingkod ay dumalo sa ginanap na pulong ng Joint Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force in Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) 4th quarter meeting para sa taong ito, sa The Bunker at the Capitol.
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang estado ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa ating mga pamayanan na pinangunahan nina Bataan Police Provincial Office Chief, Police Col. Romell Velasco para sa Peace and Order Situation, Lt.Col. Ronnel Dela Cruz (GSC) para sa Internal Peace and Security/ELCAC Concerns, G. Conrad De Dios ng MBDA para naman sa Traffic Management.
Naiprisinta naman ni Engr. Butch Baluyot, upang pagtibayin ang 2023-2025 POPS Plan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan.
Tinalakay din sa pulong ang mga kampanya at usapin patungkol sa ilegal na paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot sa pangunguna ni Agent John Jerme Almerino mula sa PDEA gayundin ang estado ng ating Bataan Drug Treatment Rehabilitation sa pangunguna ni Dra. Elizabeth Serrano.
Sa pamamagitan ng mga ganitong pagpupulong, inaasahan naming mga lingkod bayan na mas mapangangalagaan natin ang kaayusan at kapayapaan sa ating Lalawigan sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kapulisan, at hukbong katihan.
#LipadHermosa🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa