Skip to main content

INTERNATIONAL COASTAL CLEANUP DAY

September 19, 2026 – Hermosa, Bataan

Nakikiisa po tayo sa pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day bilang bahagi ng patuloy nating paninindigan na mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating kapaligiran at mga daluyan ng tubig sa ating bayan.

Ang pangangalaga sa ating karagatan, ilog, at iba pang waterways ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan. Ito ay sama-samang tungkulin ng bawat isa upang maprotektahan ang ating kalikasan at mapanatili ang isang malinis at ligtas na Hermosa para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Maraming salamat po sa ating mga katuwang na ahensya sa programang ito: DENR, MENRO sa pangunguna ni Mr. Jake de Luna, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), mga kawani ng LGU, at Ina ng Hermosa.

#InternationalCoastalCleanupDay #LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19YeRePYdT/

Official Website of Municipality of Hermosa