Skip to main content

Incident Command System Executive Course

Dinaluhan ng inyong lingkod ang isinagawang Incident Command System Executive Course dito sa ating lalawigan na pinangunahan ng Office of Civil Defense Regional Office 3 at Bataan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na ginanap sa The Bunker, Balanga City.
Ito ay naglalayong palalimin ang mga kaalaman at kasanayan sa pamamahala ng mga insidente upang mas mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng mga bayan at ng ating Lalawigan.
Malaking ambag para sa ating Bayan ang pagsasanay na ito at mas handa na tayong harapin ang anumang uri ng insidente. Maraming salamat po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa