Skip to main content

INA NG HERMOSA AT ROTARY CLUB OF FREEPORT ZONE, NAGHATID-SERBISYO SA BARANGAY BALSIK

Sa pagtutulungan ng Ina ng Hermosa at Rotary Club of Freeport Zone, matagumpay tayong nakapagbigay ng saya at ngiting kalakip ng libreng kagamitan sa pag-aaral at libreng hygiene kit para sa mga mag-aaral ng Daycare. Bukod pa rito, nagbigay din tayo ng livelihood training para sa mga residente ng Barangay Balsik at Barangay Saba, Hermosa.

Kasama ng inyong lingkod, Mayora ANNE INTON, ang Rotary Club of Freeport Zone na kinabibilangan nina President Otchie Peralta, Immediate Assistant Governor Lyn, Former President Malou, Secretary Liana Vitug, Ma’am Jen Visda, Ma’am Marjorie, at Sir Jed, at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Hermosa, kabilang si Barangay Balsik Captain Bida Roncal at mga Konsehal ng Bayan ng Hermosa, na naghatid ng serbisyo sa komunidad.

Katuwang naman sa pagtuturo ng Meat Processing, sa pangunguna ng trainor na si Sir Kim Famor, ang Ina ng Hermosa Barangay Presidents na sina Janet Juanta ng Barangay Balsik at Maricar Valiente ng Barangay Saba, para sa mga residenteng mula sa parehong barangay.

Isang taos-pusong pasasalamat sa Rotary Club of Freeport Zone at mga lingkod-bayan na naki-isa sa ating adhikaing makapaghatid-serbisyo sa ating mga kababayan sa ating mahal na Bayan ng Hermosa!

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD HERMOSA!
#InaNgHermosa
#LipadHermosa
#1Bataan

« ‹ of 2 › »
Official Website of Municipality of Hermosa