Improvised oil spill boom gamit ang mga katutubong materyales tulad ng bunot ng niyog.
Bilang tugon sa panawagan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, nakiisa ang Bayan ng Hermosa sa paggawa ng mga improvised oil spill boom gamit ang mga katutubong materyales tulad ng bunot ng niyog.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 33 piraso ng oil spill boom na nagawa ng ating mga kasamahan mula sa Municipal Agriculture Office, MENRO, at DENR Estero Rangers.
Patuloy ang paggawa ng mga oil spill boom upang magamit sakaling ang banta ng tumagas na langis mula sa lumubog na tanker ay maging banta sa ating mga baybaying dagat.
Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa gawaing ito upang mapangalagaan ang ating likas-yaman.
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan