
Ikalawang araw ng pamamahagi ng kagamitang pang eskwela dito sa bayang ng Hermosa
March 03, 2023 – Hermosa, Bataan
Para sa ikalawang araw ng pamamahagi natin ng kagamitang pang eskwela at mga bitamina sa mga mag aaral ng Mababang Paaralan ng Mambog, Pulo, Mandama at Culis ngayong araw ng Biyernes, ika-3 ng Marso.
Isa sa namahagi si Vice Mayor Patrick Rellosa na kumatawan sa inyong lingkod kasama sina Konsehal Lou Narciso, Konsehal Boyet Yandoc, Konsehal Roger Manarang, Konsehal Jasol Enriquez, Konsehala Luz Jorge-Samaniego at Konsehala Gelly Grace Santos.
Mag aral ng mabuti upang magkaroon ng magandang buhay para sa ating kinabukasan.
Sa mga bumubuo ng Local School Board (LSB) para sa pondong kagamitang pang eskwela, Maraming Salamat po!
#LipadHermosa 

#1Bataan 
