Skip to main content

Ikalawang Araw Ng Basic Incident Command System (ICS) Training Course

Nagpatuloy kahapon ang ikalawang araw ng Basic Incident Command System (ICS) Training Course, kung saan nagsagawa ng iba’t ibang workshop at simulation activities na nagbigay ng mahahalagang kaalaman at kasanayan sa epektibong pagtugon sa mga sakuna at iba pang emergency.

Patuloy ding nakibahagi sa pagsasanay si Mayor Erik Martel, kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ang Office of Civil Defense (OCD), bilang bahagi ng kanilang pagpapalakas ng kahandaan at kakayahan sa disaster response.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa
#1Bataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18sZGJmG6m/

Official Website of Municipality of Hermosa