Skip to main content

Ika-126 taong anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose P. Rizal

KAGANAPAN| Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang ika-126 taong anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose P. Rizal.
Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa sa pamamagitan ng pag-alay ng bulaklak, kasama si Municipal Administrator Rex Jorge na syang kumatawan sa inyong lingkod sa paggunita sa araw na ito upang pahalagahan at sariwain ang kabayanihan na nagawa ng ating Pambansang Bayani, Dr. Jose P. Rizal.
Nakiisa din dito sina Vice Mayor Patrick Rellosa, Konsehala Luz Jorge Samaniego, Konsehal Lou Narciso, Konsehal Jason Enriquez, Konsehal Boyet Yandoc, ABC Roberto Rosel, SK Chairman Bea Lim, mga Kapulisan, BFP, Hermosa Martial at mga kawani ng ating lokal na pamahalaan.
Siya ay hinirang bilang pambansang bayani ng Pilipinas dahil sa kanyang kagitingan at ambag sa kalayaan ng ating bansa.
Isang pagpupugay sa kanyang kabayanihan!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
Official Website of Municipality of Hermosa