Skip to main content

Ika-125 taon Araw ng Kalayaan ng Pilipinas

Nakiisa ang Bayan ng Hermosa sa paggunita ng Ika-125 na taon Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan”.
Patuloy nawa’y manatiling buhay sa ating mga puso ang mga sakripisyo ng ating mga bayani na siyang nagbigay sa atin ng kalayaan. Ito’y mahalagang tagumpay ng ating bansa at pagpapahalaga sa ating kasarinlan bilang mga Pilipino.
Ito ay pinangunahan ni Municipal Administrator Rex Jorge bilang kinatawan ng inyong lingkod kasama sina Konsehal Lou Narciso, Konsehal Jason Enriquez, BFP Hermosa Officer SF04 Rusoler Tayag, SK President Bea Lim, IPMR Lolita Valdez at dinaluhan rin ito ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa.
Mabuhay ang Pilipinas at Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️
#ArawNgKalayaan2023

 

Official Website of Municipality of Hermosa