HUMINGA MUNA.
May mga araw na parang sabay-sabay ang mga iniisip, mabigat ang pakiramdam, o nakakapagod ang mga nangyayari sa ating paligid. Sa mga ganitong pagkakataon, minsan kailangan lang nating huminto sandali, huminga, at bigyan ang ating sarili ng oras upang makapagpahinga.
Maaaring subukan ang 4-7-8 Breathing Technique, isang simpleng breathing exercise na maaaring makatulong upang mapabagal ang paghinga, marelaks ang katawan, at maibalik ang ating atensyon sa kasalukuyang sandali.
Paano ito gawin?
- Humanap ng komportableng posisyon. Maaaring umupo o humiga at hayaang maging relaks ang katawan.
- Huminga papasok nang dahan-dahan sa loob ng 4 na bilang.
- Pigilan ang hininga sa loob ng 7 na bilang.
- Dahan-dahang huminga palabas sa loob ng 8 na bilang.
Ulitin nang hanggang 4 na beses, kung komportable. Kung makaramdam ng pagkahilo, hirap sa paghinga, o anumang hindi magandang pakiramdam, itigil muna ang exercise at bumalik sa normal na paghinga.
Ang simpleng paghinga ay maaaring maging maliit ngunit mahalagang hakbang sa pag-aalaga sa ating sarili. Hindi natin kailangang harapin ang lahat nang sabay-sabay. May mga sandaling kailangan lang nating huminto, magpahinga, at alalahaning okay lang na unahin din ang sarili.
Hindi kailangang laging magmadali.
Minsan, kailangan mo lang huminto at huminga muna. 💙
#LipadKalingaMentalHealthProgram
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18gMLw7CzW/