Skip to main content

HTB HERMOSA LEG NA!

Handa na ba kayo para sa unang bugso ng Hataw Takbo Bataan 2026 na gaganapin sa Hermosa? Narito po ang mga paalala para bukas, Sabado, ika-28 ng Pebrero:

Para sa mga Pro Runners:
*Kit claiming: 1:00AM – 4:00AM
*Lagyan ng marka ang inyong bib ayon sa race category na sasalihan.
*Medal: Para sa unang 800 finishers ng 10k at unang 350 finishers ng 16k

Para sa mga Free Registrants:
*Kit Claiming: 1:00AM – 4:00AM
*Medal: Para sa unang 100 finishers ng 10k at unang 50 finishers ng 16k

Para sa lahat ng runners:
*Podium: Para sa first three finishers ng bawat race category
*Finisher shirt: Para sa nakatapos sa kanilang race category. Tandaan na may limitadong bilang lamang ng ipinamimigay na Tshirt sa bawat kategorya.
*Finisher medal: May commemorative item na ibibigay sa finish line. Ito ang ipapakita bago i-claim ang medalya. Abangan lamang po ang anunsyo kung kailan gaganapin ang medal claiming.
Para sa kaligtasan ng lahat, narito po ang mga paalala:
*Manatili sa kanan habang tumatakbo lalo na sa mga lugar na maraming runners.
*Maging alerto at iwasan ang biglang paghinto habang tumatakbo.
Paunawa sa mga motorista: Pansamantala pong isasara mula 2:00AM hanggang 11:00AM ang mga kalsadang dadaanan ng mga runners upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Makikita po dito ang mge detalye ng mga kalsadang isasara: https://bit.ly/ROADCLOSUREADVISORY.

Mahigpit pong ipinapaalala na hindi na pinapayagan ang walk-in registration sa araw ng event. Tanging ang mga nakapagparehistro lamang at may opisyal na race bib ang maaaring makilahok sa takbuhan.
Para sa kaligtasan at maayos na daloy ng programa, hindi rin po papayagang tumakbo ang mga walang race bib.

Kita-kits po tayo bukas!

#1Bataan #Bataan #HatawTakboBataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1J2faH8ZRm/

Official Website of Municipality of Hermosa