HINDI NA PASSABLE ang kalsada mula sa bandang gitna ng Barangay Daungan hanggang Sitio Parayray
Batay sa roving at monitoring ng Mobile Patrol ng Hermosa Marshal, may baha na rin sa Barangay Daungan, na kasalukuyang umaabot sa humigit-kumulang 1–2 talampakan ang lalim sa ilang bahagi.
Mas lumalalim ang baha mula sa bungad ng Barangay Daungan patungo sa Sitio Parayray. Nahihirapan nang makadaan ang mga light vehicles sa bungad pa lamang ng barangay.
Pinapayuhan ang lahat ng motorista at residente na iwasang dumaan o tumawid sa mga bahaging apektado ng baha. Unahin po natin ang kaligtasan at patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso para sa mga susunod na update.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19VC57gi8r/