Skip to main content

HERTEA CHRISTMAS PARTY 2023

December 11, 2023 – Hermosa, Bataan
Masayang dumalo at nakiisa si Mayora ANNE INTON katuwang ang inyong lingkod sa christmas party ng mga Hermosa Retired Teachers Association (HERTEA), kanina sa Hermosa Elementary School Conference Room.
Isang pasasalamat para sa ating mga naging guro mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda, sa kanilang dedikasyon, at sakripisyo para sa lahat ng mga mag-aaral. Kasunod nito, tayo ay namahagi ng munting regalo mula sa inyong lingkod.
Maligayang pasko at manigong bagong taon sa mga bumubuo ng HERTEA! Mabuhay po kayo!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa