Hermoseño nakisaya sa selebrasyon ng 268th Bataan Foundation Day
Sa pangunguna ni Mayora ANNE INTON, bilang kinatawan ng inyong lingkod, kasama sina Konsehala Luz Samaniego, ABC President Kap. Alfonso Cortez, , SK Federation President Clyde Teruel, Hermosa Tourism Officer Bea Lim, at mga miyembro ng Banda 52 San Pedro, nakilahok ang mga Hermoseño sa pagdiriwang ng Araw ng Pagkakatatag ng Bataan bilang isang Lalawigan na ginanap sa Capitol Drive, Balanga City, Bataan.
Sa nasabing gawain na may temang “Selebrasyon ng Matatag ng Pamilyang Bataeño,” ipinagdiwang ang bukod-tanging katatagan ng Pamilyang Bataeño sa pagharap sa mga pagsubok na kinakaharap ng bawat isa, na nalulutas ng pagtutulungan at pagkakaisa — isang katangian na nagbubuklod sa ating minamahal na lalawigan.
Ang selebrasyong ito ay nagmarka bilang isang araw na puno ng kasiyahan at pagmamahal sa pagkakakilanlan bilang isang Bataeño.
Mabuhay ang Bataan!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan #BFD #BataanFoundationDay