Skip to main content

HERMOSA TOWN FIESTA 2026

HERMOSA TOWN FIESTA 2026
Bilang tugon sa panawagan at memorandum na inilabas ng DILG kaugnay ng oil crisis, minabuti po nating gawing simple at makabuluhan ang mga programa para sa darating na piyesta ng bayan.
Sa Mayo 1, 2026, magkakaroon po tayo ng Banal na Misa sa ganap na ika-5 ng hapon, na susundan ng Grand Santacruzan kung saan tampok ang mga naggagandahang kababaihan ng Binibining Hermosa 2026 Queens.
Sa Mayo 2, 2026, naman, gaganapin ang isang simpleng parada ng mga musiko. Pinili po nating bigyang-pugay ang sariling talento ng ating bayan, kaya’t ang mga musiko mula sa Hermosa lamang ang magtatanghal, magpaparada, at mag-aalay ng musika bilang parangal kay San Pedro Martir de Verona.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa sa mas pinasimpleng selebrasyon ngayong taon. Tinitiyak po namin na mananatili ang diwa ng ating kultura at pananampalataya. Ang pagbabagong ito ay alinsunod sa ating responsableng pagtugon sa kasalukuyang hamon na kinakaharap ng ating bansa.
Abangan po ang iba pang detalye para sa mismong araw ng piyesta. Maraming salamat po.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA! #LipadHermosa #1Bataan

CLICK HERE:
https://www.facebook.com/share/p/18mBW83D9J/

Official Website of Municipality of Hermosa