Skip to main content

Hermosa, Top 1 sa Municipal Category ng 2025 Central Luzon Subaybayani Awards

December 10, 2025 — Clark, Pampanga
Congratulations sa ating minamahal na bayan ng Hermosa matapos muling tumanggap ng parangal sa 2025 Central Luzon Subaybayani Awards Cum Infrastructure Governance Expo na ginanap sa Royce Hotel, Clark, Pampanga.
Nanguna ang ating bayan at tinanggap ang Top 1 Subaybayani – Municipal Category in Central Luzon, at tayo rin ay kinilalang kabilang sa LGU Exemplars nationwide para sa matagumpay na implementasyon ng FY 2024 Construction of Level III Potable Water Supply System sa Barangay Mabiga.
Isang malaking karangalan po ito dahil ang Hermosa ang kauna-unahang bayan sa lalawigan ng Bataan na nakatanggap ng ganitong pagkilala at nanguna pa sa buong Central Luzon.
Kasama natin sa pagtanggap ng parangal sina DILG–Hermosa representative Vernita La Torre, Municipal Engineer Jasmin Recibe, at Atty. Bernard Odron.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA! #LipadHermosa #1Bataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HMJUKxTvX/

Official Website of Municipality of Hermosa