Hermosa Shines in Silver!
Nagtapos sa ikalawang puwesto ang Hermosa Women’s Volleyball Team sa naging resulta ng Championship Games Series sa 1Bataan Sportsfest Women’s Volleyball. Ito ay matapos ang matinding laban kontra Bayan ng Mariveles, na tinanghal na kampeon sa ikatlo at huling laro ng serye.
Bilang pagkilala sa husay ng ating mga atleta, napasama sa Mythical Six ang dalawang Hermoseñong manlalaro na sina Justine Sarmiento at Joey Mae Samaniego.
Maraming salamat sa inyo, aming mga kababayan! Ipinagmamalaki namin ang inyong tagumpay na nagbigay karangalan sa Bayan ng Hermosa. Kayo ay patuloy na magiging inspirasyon sa kabataang Hermoseño!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan