Skip to main content

HERMOSA SEWERAGE AND SEPTAGE MANAGEMENT PROGRAM

January 22, 2026 – Hermosa, Bataan

Nakiisa po tayo sa isinagawang Hermosa Sewerage and Septage Management Program ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), na ginanap sa Hermosa Evacuation Center.

Layunin ng programa na muling i-reorient ang mga non-metered barangays hinggil sa wastong sewerage at septage management. Kaya naman dumalo ang mga kawani at mga kapitan ng iba’t ibang barangay upang maging mas malinaw at epektibo ang implementasyon nito sa kani-kanilang komunidad.

Kasama rin po natin sa naturang aktibidad sina ABC President Alfonso Cortez at MENR Officer Jake De Luna.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa #1Bataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1AXGC5xkDu/

Official Website of Municipality of Hermosa