Skip to main content

Hermosa Rural Health Unit, Top 1 Performer sa Konsulta Summit 2024

Pinarangalan ang Hermosa Rural Health Unit (RHU) bilang Top 1 Performer sa Konsulta Summit ng PhilHealth Regional Office 3 noong Nobyembre 5, 2024, bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa paghatid ng Konsulta Package Services sa ating minamahal na bayan.

Ang Konsulta Package ay bahagi ng Universal Health Care Law na nagbibigay ng libreng konsultasyon, health risk screening, mga laboratoryo at diagnostic test, at piling gamot sa mga residente ng bawat bayan sa ating bansa.

Tinanggap ang parangal ng mga kinatawan ng Hermosa RHU na pinangunahan ni Dr. Warren Valencia, Municipal Health Officer; kasama sina Dr. Genesis Panganiban, Rural Health Physician at Nurse Marianne de Pano Mañago, Nurse Coordinator ng Universal Health Care. Samantala, dumalo rin sina Dr. Rosanna Buccahan, Provincial Health Officer ng Bataan; at Mayor Tonypep Raymundo bilang kinatawan ng pamahalaang panlalawigan.

Ang parangal na ito ay patunay lamang ng patuloy na pagsisikap ng Hermosa RHU at buong suporta ng ating Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, sa pagbibigay ng de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa minamahal nating bayan.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/14koekCxfK/

Official Website of Municipality of Hermosa