Hermosa RHU, nagsagawa ng Program Implementation Review
November 7, 2024 – Dinalupihan, Bataan
Nagsagawa ng isang Program Implementation Review ang Hermosa RHU, sa pangunguna ni Dr. Warren Valencia, na ginanap sa The Purple Farm Resort, Dinalupihan, Bataan. Ito ay dinaluhan ni Mayora Anne Inton bilang kinatawan ng inyong lingkod.
Layunin ng nasabing review na masusing suriin ang kalidad ng mga programa at proyekto na ipinatupad ng Municipal Health Office, pati na rin bigyang pagkilala ang mga parangal at tagumpay na nakamit ng tanggapan para sa taong 2024.
Taos-pusong pasasalamat para sa ating Hermosa RHU, para sa walang kapantay na dedikasyong mapaganda ang serbisyong medikal sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/12CdAVGw4sv/