Skip to main content

HERMOSA MOBILE CLINIC, AARANGKADA NA!

September 18, 2026 – Hermosa, Bataan

Malugod ko pong ibinabalita sa ating mga kababayan na opisyal na nating inilunsad ang Hermosa Mobile Clinic, isang makabagong serbisyong pangkalusugan na iikot sa bawat barangay upang mailapit sa ating mga kababayan ang de-kalidad at mas accessible na serbisyong medikal.

Hatid ng ating mobile clinic ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan tulad ng X-ray, check-up, ECG, ultrasound, dental services, at laboratory services. Lubos po ang ating pasasalamat sa lahat ng tumulong, nakiisa, at naging bahagi ng programang ito.

Nakasama rin po natin sina Vice Governor Cris Garcia, Cong. Atty. Tony Roman, Pusong Pinoy Partylist representative of Cong. Jett Nisay, Board Member Mylene A. Serrano at Bokal Dr. Godofredo “Doc Bong” Galicia Jr.

Super proud din po tayo sa ating health team sa pangunguna ni Dr. Warren Valencia, Konsehala Gelly Santos, at ng buong RHU staff. Malaking hakbang po ito para mas mailapit natin ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Hermoseño.

#LipadHermosa #1Bataan #Bataan #HermosaBataan

#HermosaMobileClinic

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DL1QmuyzY/

Official Website of Municipality of Hermosa