February 26, 2022- Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan
HERMOSA MEGA BUILD PROJECT: TANAW NA!
Makasaysayan ang araw na ito para sa Bayan ng Hermosa sapagkat ngayong araw ginanap ang ating Groundbreaking Ceremony para sa Hermosa Mega Build Project Phase 2. Ang proyektong ito ay magdudugtong sa Bayan (lowland) at sa upland, mula sa Hermosa Economic Zone sa Palihan at dadaan sa Bacong, Bamban, Maite, Mabiga, Sacrifice Valley, Tipo at sa Subic Bay Freeport Zone. Ito rin ay magdudugtong sa atin papunta sa Clark International Airport at sa Bataan Techno Park.
Napakapalad natin at tayo ay pinaunlakan ng ating Guest of Honor Senator Richard Gordon na siyang nagbigay daan upang mapondohan ang proyektong ito. Kasama din natin ang Ama ng Lalawigan, Governor Abet Garcia, Vice Governor Cris Garcia, Cong. Joet Garcia, Atty. Tonyboy Roman, DPWH Region 3 ARD Denise Ayag, Red Crosa Governor Carissa Coscoluela, Pusong Pinoy 1st Nominee Jett Nisay, ang buong bando ng TEAM LIPAD HERMOSA, Mga kapitan sa buong Bayan ng Hermosa, mga Barangay Officials, officers ng INA NG HERMOSA Brgy Mabiga Chapter, mga opisyal at empleyado ng Municipality of Hermosa, Red Cross Team, pati mga kaibigan natin na mga Kapitan sa Orion ay nakiisa din.
Ang proyektong ito ang susi upang mas lalong lumago at magtuloy tuloy ang pag unlad sa ating Bayan lalong lalo na sa ating dalawang naka pipeline na Economic Zones sa ating upland na magdadala sa ating Bayan ng mas maraming trabaho at mas maraming economic movement hindi lang para sa ating Bayan kundi sa buong lalawigan, at sa ating mga neighboring towns and provinces. Higit na makakatulong din ang proyektong ito sa ating transportasyon at pagdala ng goods and services, sa ating mga magsasaka, sa ating mga commuters at higit sa lahat sa bawat isa sa atin.
Mahalagang ang ating mga pangarap ay hindi manatiling pangarap lamang. Ngayon, nakikita na natin ang ating vision para sa Bayan ng Hermosa ay naisakatuparan na.
Maraming Salamat sa inyong lahat sa pagtitiwala sa kakayahan ng ating Bayan na maabot ang tunay na asenso at pag unlad!
Mabuhay ang Bayan ng Hermosa!
Nagawa na naman natin ang TAMA!