Skip to main content

Hermosa Kampeon sa Kagitingan!

Abril 8, 2024 – Balanga, Bataan
Sa isang makasaysayang pagdiriwang, itinanghal na kampeon ang bayan ng Hermosa sa Parada ng Kagitingan bilang paggunita sa Ika-82 Taon ng Araw ng Kagitingan na ginanap sa Lungsod ng Balanga. Kasama ang karangalang ito ay ang pagkakapili rin sa atin bilang Best Artist. Ang nasabing patimpalak ay sinuportahan at nilahukan ng labing-isang munisipalidad at isang lungsod sa Bataan.
Ang ating tagumpay ay hindi lamang resulta ng husay at talento kundi pati na rin ng dedikasyon at pagmamahal ng ating mga kababayan sa bayan.
Nais din nating magpasalamat sa lahat ng mga nag-organisa ng patimpalak na ito at sa mga naging kabahagi ng ating bayan sa ganitong pagdiriwang.
Muli, ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng suporta at pagmamahal sa ating bayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa