Skip to main content

Hermosa, Isang Malaking Pamilya: Selebrasyon ng Family Week

September 27, 2024 – Hermosa, Bataan

Masayang ipinagdiwang ng ating mga kababayan ang Family Week ngayong huling linggo ng Setyembre sa ilalim ng programang “Family Week Celebration: Celebrating Family Diversity and Connections.” Ito ay pinangasiwaan ng Municipal Social Welfare and Development Office, sa pangunguna ni Chasmalin Francisco, at Hermosa Child Development Centers at ginanap sa Peninsula de Bataan Resort and Hotel.

Layunin ng pagdiriwang na ito na magbigay ng saya sa mga mag-aaral ng daycare sa Bayan ng Hermosa kasama ang kanilang mga magulang at guro.
Bilang pagpapakita ng suporta, nakiisa rin dito ang mga SB Members na sina Konsehal Roger Manarang, Konsehal Jayson Enriquez, at ang bagong miyembro ng Team Lipad, si G. Leonardo Cruz.

Dito sa ating minamahal na bayan, tayo ay binuklod ng pagmamahal at pagkalinga natin sa isa’t isa— isang patunay na tayo ay isang malaking pamilya.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#FamilyWeek #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

READ AND SEE MORE:

Official Website of Municipality of Hermosa